2024/12/08
Malamig na ang simoy ng hangin
Pagkukwento gamit ang FSL
Ngayon naman ay aralin natin ang pagsa-sign ng buong pangungusap. Makakatulong dito ang panunuod ng mga FSL videos gaya ng in-upload ni Rai Zason sa YouTube kung saan isinadula ang isang alamat gamit ang FSL. Ito ang Alamat ng Pinya - Filipino Sign Language version.
Zason, R. [@RaiZason]. (2020, May 20). Alamat ng Pinya - Filipino Sign Language (Tagalog Version) | Rai Zason [Video]. Youtube. https://youtu.be/1Usp8hjjbAw
1..2..3 Action!
Ito ang huling parte ng FSL Basic Action Words series ni Teacher Jordan. Sa video na ito ituturo niya kung paano i-sign ang "study", "swim", "use", "visit", at iba pang action words. Halina't dagdagan natin ang ating bokabularyo. Suportahan din natin ang channel ni Teacher Jordan. Marami pa siyang educational videos na kanyang YouTube channel.
Madronio, J. [@jordanmadronio2333]. (2023, February 3). FSL Basic Action Words 2 [Video]. Youtube. https://youtu.be/TxszcWu5RKg
Create, fix, repair, at iba pang action words
Ito ang part 2 ng FSL Basic Action Words series ni Teacher Jordan. Halina't matuto pa nang iba't ibang pandiwa gamit ang FSL.
Madronio, J. [@jordanmadronio2333]. (2023, February 3). FSL Basic Action Words 2 [Video]. Youtube. https://youtu.be/Dz9YWi_zriM
Inspirational message mula kay Erline Grace
Noong nakaraang Marso, nagbahagi si Erline Grace ng mensahe sa harap ng maraming tao upang i-celebrate ang 2024 Women with Disabilities Day Celebration. Ang event ay pinamunuan ng NCDA at DSWD. Si Erline Grace ay isang Deaf content creator. Panuorin natin ang kanyang mensahe na pinamagatang "A DEAFinitely Beautiful Message."
Reference:
Maniquis, E. G. [@DEAFinitelyBeautiful]. (2024, March 20). A DEAFinitely Beautiful Message [Video]. Youtube. https://youtu.be/9X5M2J1nF3s
Mga pandiwa o action words
Dagdagan pa natin ang ating bokabularyo. Ngayon naman, mag-focus tayo sa mga pandiwa o mga salita na nagsasaad ng kilos o gawa. Ang video na ito ay mula kay Teacher Jordan Madronio, isang guro sa Philippine School for the Deaf. Marami pang videos si Teacher Jordan sa kanyang YouTube channel.
Madronio, J. [@jordanmadronio2333]. (2023, February 3). FSL Basic Action Words 1 [Video]. Youtube. https://youtu.be/zP4I9w1y4Ro
Movie recommendation: Isa Pa with Feelings (2019)
Dumako naman tayo sa sine at pelikula. Bihira sa mainstream ang pagre-representa sa Deaf community. Kaya naman, maire-rekomenda ko ang Isa Pa with Feelings (2019), isang rom-com movie na pinagbibidahan nina Carlo Aquino at Maine Mendoza. Mapapanood ang buong pelikula sa official YouTube channel ng ABS-CBN Star Cinema.
ABS-CBN Star Cinema. [@ABSstarcinema]. (2024, April 7). 'Isa Pa with Feelings' FULL MOVIE | Tagalog Romance Drama | Carlo Aquino, Maine Mendoza [Video]. Youtube. https://youtu.be/YoGblYRGJjU
2024/12/02
Gutom ka na ba?
Gutom ka na ba? Ang video na ito ay para matutunan natin paano i-sign ang mga karaniwang pagkain at inumin sa ating mga hapag. Panuorin natin ang ating paboritong YouTuber na si Rai sa kanyang video na pinamagatang Drinks and Food in Filipino Sign Language Tutorial.
Zason, R. [@RaiZason]. (2022, April 9). Drinks and Food in Filipino Sign Language Tutorial | Rai Zason [Video]. Youtube. https://youtu.be/6CRR5JaAXcc
Isa.. dalawa.. tatlo!
Paano nga ba i-sign ang numero sa FSL? Sa komprehinsibong video na ito ni Ma'am Olivia, matututunan natin ang pag-sign ng numbers. Si Ma'am Olivia ay isang SPED teacher. Maraming salamat, Ma'am, sa pag-upload ng videos na katulad nito.
Aguila, O. [@AguilaTutorialVideos]. (2020, October 11). Learn the FSL Numbers with Olivia Aguila [Video]. YouTube. https://youtu.be/CHVAg6qRTlQ
Inside Out
Napanuod mo na ba ang movie na Inside Out? Ito ay isang animation movie kung saan ang mga bida ay iba't ibang mga emosyon. Ngayon naman, sa video na ito na ini-upload ni user Hana Mac, alamin natin kung paano i-sign ang mga emosyon. Let's spread joy and happiness habang pinapanuod ang video na 'to.
Hana Mac [@hanamac3894]. (2022, March 13). Filipino Sign Language (Range of Emotions & Adjectives) #FSL [Video]. YouTube. https://youtu.be/PU3tNF54RQM
"Take care" at iba pang parirala
Paano nga ba maglambing gamit ang FSL? Kung gusto mong matutunan ang mga parirala katulad ng "I miss you" at "take care", para sa'yo ang video na 'to! Ang video na ito ay mula sa YouTube channel Aguila Tutorial Videos na may pamagat na Learn the FSL Basic Phrases with Olivia Aguila. Dito ay matiyagang tinuturo ni Ma'am Olivia ang mga pariralang maaari mong gamitin sa'yong mga mahal sa buhay.
Reference:
Aguila, O. [@AguilaTutorialVideos]. (2020, October 16). Learn the FSL Basic Phrases with Olivia Aguila [Video]. YouTube. https://youtu.be/yfxBeSeDY3c
2024/12/01
Mama, papa, nakakapag-sign na po ako
Importante ang komunikasyon sa isang pamilya kaya't sa maikling video na 'to, sampung salita ang ituturo ni TikTok user Hennie ukol sa pamilya. Kabilang dito ang "mama", "papa", "ate", at "kuya". Si Hennie ay isang Deaf multimedia artist at FSL tutor. Marami na siyang na-upload na videos sa TikTok upang mabahagi ang kanyang kaalaman sa FSL.
Hennie Signs [@henniesigns]. (2023, May 29). Part 9 | Learn FSL with Me: 10 Signs for Family [Video]. TikTok. https://vt.tiktok.com/ZSjGhTYFv/
Sino, saan, kailan, atbp.
Ito ang karugtong na video ng Basic Filipino Sign Language Tutorial ni Rai. Sa video na 'to, ipinakita niya kung paano i-sign ang "oo", "hindi", "sino", "saan", at iba pang mga karaniwang salita at parirala na ginagamit natin araw-araw. Suportahan pa natin ang mga content creator na katulad ni Rai na bukas-palad magbahagi ng kanilang kaalaman sa FSL.
Reference:
Zason, R. [@RaiZason]. (2020, March 18). Basic Filipino Sign Languge Tutorial Part 2 [Video]. Youtube. https://youtu.be/e6MYgcbUKqQ
Hello! Kumusta ka?
Hello! Kumusta ka? Ako nga pala si ... Paano nga ba magpakilala gamit ang FSL? Halina't matuto sa video ni Rai Zason kung saan ibinahagi niya kung paano i-sign ang common phrases upang magpakilala. Si Rai ay isang hard of hearing YouTube vlogger at marami na siyang na-upload na videos kung saan tinuturo niya ang FSL.
Reference:
Zason, R. [@RaiZason]. (2020, March 12). Basic Filipino Sign Languge Tutorial [Video]. Youtube. https://youtu.be/36GlmDTYs6s